Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 69:25-29 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 69:25-29 in Ang Dating Biblia (1905)

25 Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
Mga Awit 69 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 69:25-29 in Banal na Bibliya

25 Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
26 Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
27 Isakdal mo sila dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.
28 Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
29 Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
Mga Awit 69 in Banal na Bibliya