4 Umawit sa Diyos, umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan; gumawa ng daan sa kapatagan para sa naglalakbay sa gitna ng lambak sa Ilog Jordan; Yahweh ang kaniyang pangalan; magalak kayo sa harap niya.
5 Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan.
6 Inilalagay ng Diyos ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya; pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan; pero maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail.
7 O Diyos, nang lumabas ka sa harap ng iyong bayan, nang lumakad ka sa ilang,
8 nanginig ang lupa; nagbuhos din ng ulan ang kalangitan sa presensiya ng Diyos, sa presensiya ng Diyos nang pumunta siya sa Sinai, sa presensiya ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
9 Ikaw, O Diyos, ay nagpadala ng saganang ulan; pinalakas mo ang iyong pamana noong nanghina ito.
10 Dito nanirahan ang iyong bayan; Ikaw, O Diyos, ay nagbigay sa mga mahihirap mula sa iyong kabutihan.
11 Nag-utos ang Panginoon, at isang malaking hukbo ang nagpamalita sa mga ito.
12 Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo sila, kaya pinaghati-hatian ng mga kababaihan na naghihintay sa tahanan ang mga nasamsam:
13 mga kalapati na balot ng pilak na may mga pakpak na ginto. Nang nagpaiwan kayo sa mga kuwadra, bakit ninyo nagawa ito?