Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 67:3-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 67:3-7 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.
Mga Awit 67 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 67:3-7 in Banal na Bibliya

3 Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaan mong purihin ka ng lahat.
4 O, hayaan mong matuwa at umawit sa galak ang mga bansa para sa iyo, dahil hahatulan mo ang mga tao nang may katarungan at pamumunuan mo ang mga bansa sa lupa. Selah
5 Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaang mong purihin ka ng lahat.
6 Pinalago ng lupa ang ani nito at ang Diyos, ang ating Diyos, ang nagpala sa atin.
7 Pinagpala tayo ng Diyos, at pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo.
Mga Awit 67 in Banal na Bibliya