Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 66:5-11 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 66:5-11 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
6 Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya.
7 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah)
8 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
9 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
Mga Awit 66 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 66:5-11 in Banal na Bibliya

5 Halika at tingnan ang mga gawa ng Diyos; kinatatakutan siya sa kaniyang mga ginagawa sa mga anak ng mga tao.
6 Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid sila sa ilog nang naglalakad; nagalak kami sa kaniya roon.
7 Namumuno siya magpakailanman sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; pinagmamasdan ng kaniyang mga mata ang mga bansa; huwag hayaang itaas ng mga suwail ang kanilang mga sarili. Selah
8 Purihin ang Diyos, kayong mga tao, hayaang marinig ang tinig ng kaniyang kapurihan.
9 Iniingatan niya tayo sa mga nabubuhay, at hindi pinapahintulutang madulas ang ating mga paa.
10 Dahil ikaw, O Diyos, ang sumubok sa amin; sinubok mo kami gaya ng pilak.
11 Dinala mo kami sa isang lambat; nilagyan mo kami ng matinding pabigat sa aming mga balakang.
Mga Awit 66 in Banal na Bibliya