Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 66:12-16 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 66:12-16 in Ang Dating Biblia (1905)

12 Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
Mga Awit 66 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 66:12-16 in Banal na Bibliya

12 Pinasakay mo ang mga tao sa aming mga ulo; dumaan kami sa apoy at tubig; pero inilabas mo kami sa malawak na lugar.
13 Pupunta ako sa iyong tahanan na may mga sinunog na handog; tutuparin ko ang aking mga panata
14 na ipinangako ng aking labi at sinabi ng aking bibig nang ako ay nasa kahirapan.
15 Magsusunog ako ng taba ng mga hayop bilang handog na may mabangong samyo ng mga tupa; mag-aalay ako ng mga toro at kambing. Selah.
16 Halika at makinig, lahat kayo na may takot sa Diyos, at ipahahayag ko kung ano ang ginawa niya para sa aking kaluluwa.
Mga Awit 66 in Banal na Bibliya