Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 64:1-4 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 64:1-4 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Dinggin mo ang tinig ko, Oh Dios, sa aking hibik: ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan; sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak, at pinahilagpos ang kanilang mga palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako: biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
Mga Awit 64 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 64:1-4 in Banal na Bibliya

1 Dinggin mo ang aking tinig, O Diyos, pakinggan mo ang aking daing; ingatan mo ang aking buhay mula sa takot mula sa aking mga kaaway.
2 Itago mo ako mula sa lihim na pakana ng mga mapaggawa ng masama, mula sa kaguluhan ng mga gumagawa ng masama.
3 Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada; itinutok nila ang kanilang mga palaso, mapapait na mga salita,
4 para panain nila mula sa lihim na mga lugar ang mga taong walang kasalanan; agad nilang papanain siya at walang kinatatakutan.
Mga Awit 64 in Banal na Bibliya