Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 62:5-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 62:5-7 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan: siya'y aking matayog na moog; hindi ako makikilos.
7 Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Mga Awit 62 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 62:5-7 in Banal na Bibliya

5 Naghihintay ako nang tahimik para lamang sa Diyos; dahil nakatuon ang aking pag-asa sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking muog at kaligtasan; siya ang aking mataas na tore; ako ay hindi matitinag.
7 Sa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian; nasa Diyos ang saligan ng aking kalakasan at kanlungan.
Mga Awit 62 in Banal na Bibliya