Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 61:3-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 61:3-7 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway.
4 Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya.
Mga Awit 61 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 61:3-7 in Banal na Bibliya

3 Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway.
4 Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah
5 Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan.
6 Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.
7 Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman;
Mga Awit 61 in Banal na Bibliya