Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 60:4-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 60:4-8 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo, upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5 Upang ang iyong minamahal ay makaligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth,
7 Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro.
8 Moab ay aking hugasan; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak; Filistia, humiyaw ka dahil sa akin.
Mga Awit 60 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 60:4-8 in Banal na Bibliya

4 Nagbigay ka ng isang bandera sa mga nagpaparangal sa iyo para maipakita ito dahil sa katotohanan. Selah
5 Para silang mga minamahal mo ay masagip, sagipin mo kami ng iyong kanang kamay at sagutin ako.
6 Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan, “Ako ay nagagalak; hahatiin ko ang Shekem at ipamamahagi ang lambak ng Sucot.
7 Sa akin ang Galaad, at sa akin ang Manases; sanggalang ko sa ulo ang Efraim; setro ko ang Juda.
8 Ang Moab ay aking hilamusan; sa ibabaw ng Edom ihahagis ko ang aking sapatos; sisigaw ako sa tagumpay dahil sa Filistia.
Mga Awit 60 in Banal na Bibliya