Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 59:7-10 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 59:7-10 in Ang Dating Biblia (1905)

7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi: sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin: ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
Mga Awit 59 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 59:7-10 in Banal na Bibliya

7 Tingnan mo, dumidighay sila sa kanilang mga bibig; mga espada ay nasa kanilang mga labi, dahil sinasabi nila, “Sino ang nakaririnig sa atin?”
8 Pero ikaw, Yahweh, ay tinatawanan sila; kinukutya mo ang mga bansa.
9 O Diyos, aking kalakasan, magbibigay pansin ako sa iyo; ikaw ang aking matayog na tore.
10 Katatagpuin ako ng Diyos sa kaniyang katapatan sa tipan; hahayaan ng Diyos na makita ko ang aking nais sa aking mga kaaway.
Mga Awit 59 in Banal na Bibliya