Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 56:3-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 56:3-8 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin?
5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita: lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
6 Sila'y nagpipisan, sila'y nagsisipagkubli, kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa.
7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat?
Mga Awit 56 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 56:3-8 in Banal na Bibliya

3 Kapag ako ay natatakot, magtitiwala ako sa iyo.
4 Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang?
5 Buong araw, binabaluktot nila ang aking mga salita; lahat ng kanilang iniisip ay laban sa akin para sa kasamaan.
6 Nagtitipon-tipon sila, tinatago nila ang kanilang mga sarili, at tinatandaan ang aking mga hakbang, katulad ng kanilang paghihintay sa aking buhay.
7 Huwag mo silang hayaang makatakas na gumagawa ng kasamaan. Pabagsakin mo ang mga tao sa iyong galit, O Diyos.
8 Binibilang mo ang aking mga paglalakbay at inilalagay mo ang aking mga luha sa iyong bote; wala ba ang mga ito sa iyong aklat?
Mga Awit 56 in Banal na Bibliya