Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 55:4-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 55:4-7 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5 Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Mga Awit 55 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 55:4-7 in Banal na Bibliya

4 Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan.
5 Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin.
6 Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
7 Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. Selah
Mga Awit 55 in Banal na Bibliya