Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 52:3-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 52:3-5 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
4 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita, Oh ikaw na magdarayang dila.
5 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man, itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda, at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay. (Selah)
Mga Awit 52 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 52:3-5 in Banal na Bibliya

3 Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan at kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran. Selah
4 Mahal mo ang lahat ng mga salitang sumisira sa iba, ikaw na mandarayang dila.
5 Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. Selah
Mga Awit 52 in Banal na Bibliya