Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 50:2-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 50:2-5 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios.
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
4 Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
Mga Awit 50 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 50:2-5 in Banal na Bibliya

2 Mula sa Sion, ang kaganapan ng kagandahan, ang Diyos ay nagningning.
3 Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
4 Nananawagan siya sa kalangitan at sa lupa para mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 “Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
Mga Awit 50 in Banal na Bibliya