7 tiyak na walang makatutubos sa kaniyang kapatid o makapagbibigay sa Diyos ng panubos para sa kaniya,
8 Dahil mahal ang pagtubos ng buhay ng isang tao, at sa ating pagkakautang walang makakapagbayad.
9 Walang mabubuhay ng magpakailanman nang hindi mabubulok ang kanyang katawan.
10 Dahil makararanas siya ng pagkabulok. Ang mga marurunong ay namamatay; ang mga hangal at ang mga malupit ay parehong mamamatay at iiwanan nila ang kanilang kayamanan sa iba.
11 Ang nasa kaloob-looban ng kaisipan nila ay magpapatuloy ang kanilang mga pamilya magpakailanman, pati na ang mga lugar kung saan sila naninirahan, sa lahat ng mga salinlahi; tinawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang mga pangalan.
12 Pero ang tao na may taglay na yaman ay hindi nananatiling buhay; tulad siya ng mga hayop na namamatay.
13 Ito, ang kanilang pamamaraan, ay kanilang kahangalan; pero pagkatapos nila, ang mga tao ay sumasang-ayon sa kanilang mga sinasabi. Selah
14 Itinatalaga sila tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan.
15 Pero tutubusin ng Diyos ang aking buhay mula sa kapangyarihan ng sheol; ako ay kaniyang tatanggapin. Selah
16 Huwag matakot kapag may isang taong yumayaman, kapag ang kapangyarihan ng kaniyang pamilya ay lumalawak,