Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 44:23-26 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 44:23-26 in Ang Dating Biblia (1905)

23 Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon? Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.
Mga Awit 44 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 44:23-26 in Banal na Bibliya

23 Gumising ka, bakit ka natutulog, Panginoon?
24 Tumindig ka, huwag mo kaming ilayo ng tuluyan. Bakit mo tinatago ang iyong mukha at kinakalimutan ang aming paghihirap at kaapihan?
25 Dahil natunaw kami sa alabok; ang aming mga katawan ay kumakapit sa lupa.
26 Bumangon ka para sa aming tulong at tubusin kami alang-alang sa iyong katapatan sa tipan.
Mga Awit 44 in Banal na Bibliya