Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 42:4-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 42:4-5 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios, na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
Mga Awit 42 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 42:4-5 in Banal na Bibliya

4 Inaalala ko ang mga bagay na ito habang binubuhos ko ang aking kaluluwa: kung paano ako pumunta kasama ang napakaraming tao at pangunahan sila patungo sa tahanan ng Diyos na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, ang napakaraming tao na nagdiriwang ng kapistahan.
5 Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa, at bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos, dahil pupurihin ko siya sa tulong ng kaniyang presensiya.
Mga Awit 42 in Banal na Bibliya