Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 40:15-17 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 40:15-17 in Ang Dating Biblia (1905)

15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin, Aha, aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain.
17 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magluwat, Oh Dios ko.
Mga Awit 40 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 40:15-17 in Banal na Bibliya

15 Hayaan mo silang masindak dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi sa akin ng, “Aha, aha!”
16 Pero magalak nawa silang mga naghahanap sa iyo at sa iyo ay maging masaya; hayaan mong ang lahat ng nagmamahal sa iyong pagliligtas ang patuloy na magsabi, “Nawa si Yahweh ay mapapurihan.”
17 Ako ay mahirap at nangangailangan; pero iniisip pa rin ako ng Panginoon. Ikaw ang aking katuwang at dumating ka para sagipin ako; huwag kang magtagal aking Diyos.
Mga Awit 40 in Banal na Bibliya