Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 38:18-21 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 38:18-21 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas: at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami.
20 Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko, sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
Mga Awit 38 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 38:18-21 in Banal na Bibliya

18 Inaamin ko ang aking pagkakasala; nababahala ako sa aking kasalanan.
19 Pero napakarami ng aking mga kaaway; ang mga napopoot ng mali ay marami.
20 Gumaganti sila ng masama sa aking kabutihan; nagbabato sila ng paratang sa akin kahit pinagpatuloy ko kung ano ang mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Yahweh; aking Diyos, huwag kang lumayo sa akin.
Mga Awit 38 in Banal na Bibliya