Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 37:37-40 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 37:37-40 in Ang Dating Biblia (1905)

37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan.
38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon: siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila: sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila. Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.
Mga Awit 37 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 37:37-40 in Banal na Bibliya

37 Pagmasdan mo ang taong may dangal, at tandaan mo ang matuwid; mayroong mabuting kinabukasan para sa taong may kapayapaan.
38 Ang mga makasalanan ay tuluyang mawawasak; ang kinabukasan para sa masasamang tao ay mapuputol.
39 Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; sila ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.
40 Sila ay tinutulungan at sinasagip ni Yahweh. Sinasagip niya sila mula sa masasama at iniligtas sila dahil sila ay kumubli sa kaniya.
Mga Awit 37 in Banal na Bibliya