Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 37:26-30 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 37:26-30 in Ang Dating Biblia (1905)

26 Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; at manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man.
30 Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
Mga Awit 37 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 37:26-30 in Banal na Bibliya

26 Sa kahabaan ng araw siya ay mapagbigay-loob at nagpapahiram, at ang kaniyang anak ay naging isang pagpapala.
27 Tumalikod ka mula sa kasamaan at gawin mo kung ano ang tama; pagkatapos, magiging ligtas ka magpakailanman.
28 Dahil iniibig ni Yahweh ang katarungan at hindi pinababayaan ang kaniyang tapat na mga tagasunod. Sila ay pag-iingatan magpakailanman, pero ang kaapu-apuhan ng masama ay tatanggalin.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain at mamumuhay sila roon magpakailanman.
30 Ang bibig ng matuwid ay nagsasalita ng karunungan at nagdaragdag ng katarungan.
Mga Awit 37 in Banal na Bibliya