Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 36:4-6 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 36:4-6 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
5 Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
6 Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop.
Mga Awit 36 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 36:4-6 in Banal na Bibliya

4 Habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama, nagbabalak siya ng mga paraan para magkasala; siya ay nagtatakda ng masamang paraan; hindi niya iniiwasan ang kasalanan.
5 Ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay umaabot sa kalangitan; ang iyong katapatan ay umaabot sa mga kaulapan.
6 Ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamataas na mga bundok; ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamalalim na dagat. Yahweh, pinangangalagaan mo ang kapwa sangkatauhan at mga hayop.
Mga Awit 36 in Banal na Bibliya