Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 35:13-14 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 35:13-14 in Ang Dating Biblia (1905)

13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
Mga Awit 35 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 35:13-14 in Banal na Bibliya

13 Pero, nang maysakit sila, nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
14 Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina.
Mga Awit 35 in Banal na Bibliya