Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 34:4-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 34:4-8 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
5 Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
6 Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
7 Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.
8 Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Mga Awit 34 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 34:4-8 in Banal na Bibliya

4 Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.
5 Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.
6 Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.
7 Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya.
8 Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya.
Mga Awit 34 in Banal na Bibliya