Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 34:2-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 34:2-5 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: maririnig ng maamo at masasayahan.
3 Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
4 Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
5 Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Mga Awit 34 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 34:2-5 in Banal na Bibliya

2 Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at sila ay matuwa.
3 Purihin natin si Yahweh; sama-sama nating itaas ang kaniyang pangalan.
4 Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.
5 Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.
Mga Awit 34 in Banal na Bibliya