Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 30:6-11 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 30:6-11 in Ang Dating Biblia (1905)

6 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man.
7 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
8 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
9 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
Mga Awit 30 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 30:6-11 in Banal na Bibliya

6 Buong tiwala kong sinabi, “Hindi ako kailanman mayayanig.”
7 Yahweh sa pamamagitan ng iyong pabor ako ay itinatag mo tulad ng isang matatag na bundok; pero kapag itinago mo ang iyong mukha, ako ay naligalig.
8 Umiyak ako sa iyo, Yahweh, at naghanap ng pabor mula sa aking Panginoon!
9 Anong pakinabang mayroon sa aking kamatayan, kung ako ay bababa sa libingan? Mapapapurihan ka ba ng alabok? Maipapahayag ba nito na ikaw ay mapagkakatiwalaan?
10 Pakinggan mo, Yahweh, at ako ay kaawaan! Yahweh, ikaw ay maging katuwang ko.
11 Pinalitan mo ang aking pagluluksa ng pagsasayaw; hinubad mo ang aking sako at dinamitan ako ng kagalakan.
Mga Awit 30 in Banal na Bibliya