Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 2:6-11 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 2:6-11 in Ang Dating Biblia (1905)

6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.
Mga Awit 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 2:6-11 in Banal na Bibliya

6 “Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
7 Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak! Ngayong araw, ako ay naging iyong ama.
8 Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa para sa iyong mana at ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain para sa iyong pag-aari.
9 Wawasakin mo sila gamit ang isang bakal na setro; dudurugin mo sila tulad ng isang banga ng magpapalayok.”
10 Kaya ngayon, kayong mga hari, maging maingat; magpatuwid kayong mga namamahala sa mundo.
11 Sambahin si Yahweh nang may takot at magdiwang nang may panginginig.
Mga Awit 2 in Banal na Bibliya