Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 2:2-6 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 2:2-6 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.
Mga Awit 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 2:2-6 in Banal na Bibliya

2 Ang mga hari ng lupa ay nagsasama-sama at ang mga namamahala ay nagsasabwatan laban kay Yahweh at laban sa kaniyang Mesias, sinasabing,
3 “Tanggalin natin ang mga posas na nilagay nila sa atin at itapon ang kanilang mga kadena.”
4 Siya na nakaupo sa kalangitan ay hahamakin sila; kinukutya sila ng Panginoon.
5 Pagkatapos, kakausapin niya sila sa kaniyang galit at tatakutin sila sa kaniyang poot, sinasabing,
6 “Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
Mga Awit 2 in Banal na Bibliya