Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 2:10-12 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 2:10-12 in Ang Dating Biblia (1905)

10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Mga Awit 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 2:10-12 in Banal na Bibliya

10 Kaya ngayon, kayong mga hari, maging maingat; magpatuwid kayong mga namamahala sa mundo.
11 Sambahin si Yahweh nang may takot at magdiwang nang may panginginig.
12 Ibigay ang totoong katapatan sa kaniyang anak para hindi siya magalit sa inyo, at para hindi kayo mamatay kapag mabilis na sumiklab ang kaniyang galit. Mapalad ang lahat ng kumukubli sa kaniya.
Mga Awit 2 in Banal na Bibliya