Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 28:8-9 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 28:8-9 in Ang Dating Biblia (1905)

8 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.
Mga Awit 28 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 28:8-9 in Banal na Bibliya

8 Si Yahweh ang kalakasan ng kaniyang bayan, at kanlungang nagliligtas sa kaniyang hinirang.
9 Iligtas mo ang iyong bayan at pagpalain ang iyong pamana. kayo ay maging pastol nila at aalagaan sila magpakailanman.
Mga Awit 28 in Banal na Bibliya