Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 25:11-19 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 25:11-19 in Ang Dating Biblia (1905)

11 Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki.
12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
14 Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
15 Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo.
16 Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati.
17 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.
18 Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.
Mga Awit 25 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 25:11-19 in Banal na Bibliya

11 Alang-alang sa iyong pangalan, Yahweh, patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki.
12 Sino ang taong may takot kay Yahweh? Tuturuan siya ng Panginoon sa daan na dapat niyang piliin.
13 Ang kanyang buhay ay magpapatuloy sa kabutihan; at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magmamana ng lupain.
14 Ang pakikipagkaibigan ni Yahweh ay para sa mga nagbibigay karangalan sa kanya, at pinapahayag ang kanyang tipan sa kanila.
15 Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh, dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat.
16 Bumaling ka sa akin at kaawaan mo ako; dahil ako ay nag-iisa at nahihirapan.
17 Ang mga kaguluhan ng aking puso ay lumalawak; hanguin mo ako mula sa aking pagkabalisa.
18 Masdan mo ang aking paghihirap at mga pasakit; patawarin mo lahat ng aking mga kasalanan.
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, dahil sila ay marami; kinamumuhian nila ako nang may malupit na pagkagalit.
Mga Awit 25 in Banal na Bibliya