Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 23:1-4 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 23:1-4 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
Mga Awit 23 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 23:1-4 in Banal na Bibliya

1 Si Yahweh ang aking pastol; hindi ako magkukulang.
2 Pinahihiga niya ako sa luntiang mga pastulan; inaakay niya ako sa tabi ng payapang tubigan.
3 Binabalik niya ang aking buhay; ginagabayan niya ako sa tamang landas alang-alang sa kaniyang pangalan.
4 Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin.
Mga Awit 23 in Banal na Bibliya