Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 21:5-13 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 21:5-13 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos.
8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
9 Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin sila ng apoy.
10 Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12 Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 21:5-13 in Banal na Bibliya

5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila dahil sa iyong tagumpay; iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika.
6 Dahil pinagkalooban mo siya ng mga pangmatagalang pagpapala; hinayaan mo siyang magalak nang may kasiyahan sa iyong presensya.
7 Dahil ang hari ay nagtitiwala kay Yahweh; sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan siya ay hindi matitinag.
8 Dadakpin ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway; dadakpin ng iyong kanang kamay ang mga napopoot sa iyo.
9 Sa panahon ng iyong galit; susunugin mo sila na parang nasa maalab na pugon. Lilipulin sila ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin sila ng apoy.
10 Pupuksain mo ang kanilang mga anak mula sa lupa at ang kanilang mga kaapu-apuhan na kabilang sa sangkatauhan.
11 Dahil hinangad nila ang masama laban sa iyo; bumuo sila ng masamang balak na kung saan hindi sila magtatagumpay!
12 Dahil sila ay iyong paaatrasin; sila ay iyong papanain.
13 Maitanghal, ka Yahweh, sa iyong lakas; aawitin at pupurihin namin ang iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21 in Banal na Bibliya