Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 21:1-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 21:1-7 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
2 Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
3 Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
4 Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos.
Mga Awit 21 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 21:1-7 in Banal na Bibliya

1 Nagagalak ang hari sa iyong lakas, Yahweh! Labis siyang nagagalak sa kaligtasan na iyong ibinibigay!
2 Ibinigay mo sa kaniya ang inaasam ng kaniyang puso at hindi mo pinigilan ang kahilingan ng kaniyang mga labi. Selah
3 Dahil dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala; inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona.
4 Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya; binigyan mo siya ng mahabang buhay magpakailanman.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila dahil sa iyong tagumpay; iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika.
6 Dahil pinagkalooban mo siya ng mga pangmatagalang pagpapala; hinayaan mo siyang magalak nang may kasiyahan sa iyong presensya.
7 Dahil ang hari ay nagtitiwala kay Yahweh; sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan siya ay hindi matitinag.
Mga Awit 21 in Banal na Bibliya