Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 149:1-4 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 149:1-4 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.
2 Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
Mga Awit 149 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 149:1-4 in Banal na Bibliya

1 Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit para kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng mga tapat!
2 Hayaang magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan; magdiwang ang mga mamamayan ng Sion sa kanilang hari.
3 Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit sila ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa.
4 Dahil nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan; dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan.
Mga Awit 149 in Banal na Bibliya