Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 148:3-9 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 148:3-9 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita:
9 Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
Mga Awit 148 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 148:3-9 in Banal na Bibliya

3 Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin.
4 Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan.
5 Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at sila ay nalikha.
6 Itinatag niya rin sila magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
7 Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
8 apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
9 mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
Mga Awit 148 in Banal na Bibliya