Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 147:7-10 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 147:7-10 in Ang Dating Biblia (1905)

7 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
Mga Awit 147 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 147:7-10 in Banal na Bibliya

7 Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.
8 Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
9 Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at mga inakay na uwak kapag sila ay umiiyak.
10 Hindi siya humahanga sa bilis ng kabayo o nasisiyahan sa lakas ng binti ng isang tao.
Mga Awit 147 in Banal na Bibliya