Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 147:5-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 147:5-8 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
Mga Awit 147 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 147:5-8 in Banal na Bibliya

5 Dakila at makapangyarihan si Yahweh, at walang kapantay ang kaniyang karunungan.
6 Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.
7 Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.
8 Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
Mga Awit 147 in Banal na Bibliya