1 Dinggin mo ang aking panalangin, Yahweh; makinig ka sa aking pagsamo. Dahil sa iyong katapatan at katuwiran, sagutin mo ako!
2 Huwag mong hatulan ang iyong lingkod, dahil walang matuwid sa iyong paningin.
3 Hinangad ng kaaway ang aking kaluluwa; ako ay kaniyang ibinaon sa lupa; pinatira niya ako sa kadiliman tulad ng mga matagal ng namatay.
4 Ang aking espiritu ay nanglulupaypay; ang aking puso ay nawalan ng pag-asa.
5 Inalala ko ang nakalipas, nagnilay ako sa iyong mga gawa; nagmuni-muni ako sa iyong mga katagumpayan.