Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 141:8-10 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 141:8-10 in Ang Dating Biblia (1905)

8 Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon: sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin, at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating. Habang ako'y nakatatanan.
Mga Awit 141 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 141:8-10 in Banal na Bibliya

8 Tiyak na ang aking mga mata ay nasa iyo, Yahweh, Panginoon; sa iyo ako nagkukubli; huwag mong iwanan ang aking kaluluwa ng walang pagtatanggol.
9 Pangalagaan mo ako mula sa mga bitag na kanilang inilatag para sa akin, mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama.
10 Hayaan mong mahulog ang masasama sa kanilang sariling lambat habang ako ay tumatakas.
Mga Awit 141 in Banal na Bibliya