Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 140:5-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 140:5-8 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah)
Mga Awit 140 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 140:5-8 in Banal na Bibliya

5 Ang mapagmalaki ay naghanda ng patibong para sa akin; nagkalat sila ng lambat; naghanda sila ng silo para sa akin. Selah
6 Sinabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; makinig ka sa aking mga paghingi ng awa.”
7 Yahweh, aking Panginoon, ikaw ay malakas para magligtas; sa araw ng labanan nilagyan mo ng panangga ang aking ulo.
8 Yahweh, huwag mong ipagkaloob ang nais ng masasama; huwag mong hayaan ang kanilang mga plano na magtagumpay. Selah.
Mga Awit 140 in Banal na Bibliya