Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 139:5-18 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 139:5-18 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
6 Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot.
7 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
8 Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
9 Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.
13 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila,
17 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
Mga Awit 139 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 139:5-18 in Banal na Bibliya

5 Sa likuran at harapan ay nandoon ang iyong mga kamay sa akin.
6 Ang ganoong kaalaman ay labis para sa akin; ito ay labis na mataas at hindi ko ito kayang maunawaan.
7 Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya?
8 Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka.
9 Kung lilipad ako palayo sa mga pakpak ng umaga at pupunta para mamuhay sa pinakamalayong mga bahagi sa kabila ng karagatan,
10 kahit doon ang iyong kamay ang aakay sa akin, at ang iyong kanang kamay ang hahawak sa akin.
11 Kung sasabihin ko, “Tiyak na itatago ako ng kadiliman at ang gabi ang aking magiging liwanag;”
12 hindi makakapagtago kahit ang kadiliman mula sa iyo. Lumiliwanag ang gabi tulad ng umaga, dahil ang kadiliman at liwanag ay magkatulad sa iyo.
13 Ikaw ang humulma sa aking pagkatao; ikaw ang humulma sa akin sa sinapupunan ng aking ina.
14 Magpapasalamat ako sa iyo, dahil ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga at kamangha-mangha. Alam na alam mo ang aking buhay.
15 Ang aking katawan ay hindi naitago mula sa iyo noong ako ay lihim na binuo, noong ako ay magulong nilikha sa kailaliman ng mundo.
16 Nakita mo ako sa loob ng sinapupunan; ang lahat ng araw na nakatalaga para sa akin ay nakatala sa iyong libro kahit bago pa ito ang unang nangyari.
17 Napakahalaga ng iyong kaisipan sa akin, O Diyos! Napakalawak ng kanilang kabuuan.
18 Kung susubukan ko itong bilangin, sila ay higit pa sa bilang ng mga buhangin. Sa aking paggising, ako ay nasa iyo pa rin.
Mga Awit 139 in Banal na Bibliya