Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 136:1-11 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 136:1-11 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
6 Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
7 Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
8 Ng araw upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
9 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 At kinuha ang Israel sa kanila: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Mga Awit 136 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 136:1-11 in Banal na Bibliya

1 O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
2 O, magpasalamat sa Diyos ng mga diyos, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
3 O, magpasalamat sa Panginoon ng mga panginoon, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
4 Sa kaniya na nag-iisang gumagawa ng labis na kamanghaan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
5 sa kaniyang karunungan ginawa ang kalangitan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
6 sa kaniya na nagkalat ng lupa sa ibabaw ng katubigan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
7 sa kaniya na gumawa ng kahanga-hangang mga liwanag, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
8 ng araw na naghahari sa umaga, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
9 ng buwan at bituin na naghahari sa gabi, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
10 na siyang pumatay sa mga panganay na anak ng Ehipto, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
11 at naglabas sa Israel mula sa kanila, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Mga Awit 136 in Banal na Bibliya