Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 135:16-19 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 135:16-19 in Ang Dating Biblia (1905)

16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita; mga mata ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon: Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
Mga Awit 135 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 135:16-19 in Banal na Bibliya

16 Ang mga diyos-diyosan ay may mga bibig, pero hindi sila nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi nakakikita;
17 mayroon silang mga tainga, pero hindi nakaririnig, ni hininga ay wala sa kanilang mga bibig.
18 Ang mga gumagawa sa kanila ay tulad din nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.
19 Mga kaapu-apuhan ng Israel, purihin ninyo si Yahweh; mga kaapu-apuhan ni Aaron, purihin ninyo si Yahweh.
Mga Awit 135 in Banal na Bibliya