Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 130:1-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 130:1-5 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
4 Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
5 Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
Mga Awit 130 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 130:1-5 in Banal na Bibliya

1 Yahweh, mula sa kailaliman ako ay umiiyak sa iyo.
2 Panginoon, pakinggan mo ang aking boses; hayaan ang iyong mga tainga na tumuon sa aking mga pagsusumamo ng iyong awa.
3 Yahweh, kung tatandaan mo ang mga kasamaan, Panginoon, sino ang makatatagal?
4 Pero mayroong kapatawaran sa iyo, para ikaw ay sambahin.
5 Naghihintay ako para kay Yahweh, naghihintay ang aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ako ay umaasa.
Mga Awit 130 in Banal na Bibliya