Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 129:4-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 129:4-8 in Ang Dating Biblia (1905)

4 Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
5 Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Mga Awit 129 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 129:4-8 in Banal na Bibliya

4 Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.”
5 Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion.
6 Nawa maging tulad sila ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago,
7 na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.
8 Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”
Mga Awit 129 in Banal na Bibliya