Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 127:2-5 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 127:2-5 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
3 Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan.
5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.
Mga Awit 127 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 127:2-5 in Banal na Bibliya

2 Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog.
3 Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.
4 Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan.
5 Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.
Mga Awit 127 in Banal na Bibliya