Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 126:3-6 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 126:3-6 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
Mga Awit 126 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 126:3-6 in Banal na Bibliya

3 Gumawa si Yahweh ng dakilang bagay para sa atin; labis kaming nagalak!
4 Yahweh, ibalik mo ang aming kayamanan tulad ng batis sa Negeb.
5 Silang mga naghahasik ng mga luha ay mag-aani ng sigaw para sa kagalakan.
6 Siyang umiiyak na lumabas, dala-dala ang binhing ihahasik, babalik muli nang may sigaw ng kagalakan, dala-dala ang kaniyang mga bungkos.
Mga Awit 126 in Banal na Bibliya