Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 126:1-6 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 126:1-6 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
Mga Awit 126 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 126:1-6 in Banal na Bibliya

1 Nang ibinalik ni Yahweh ang magandang kapalaran sa Sion, tulad kami nilang mga nananaginip.
2 Pagkatapos napuno ang aming mga bibig ng tawanan at ang aming mga dila ng may awitan. Pagkatapos sinabi nila sa mga bansa. “Si Yahweh ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”
3 Gumawa si Yahweh ng dakilang bagay para sa atin; labis kaming nagalak!
4 Yahweh, ibalik mo ang aming kayamanan tulad ng batis sa Negeb.
5 Silang mga naghahasik ng mga luha ay mag-aani ng sigaw para sa kagalakan.
6 Siyang umiiyak na lumabas, dala-dala ang binhing ihahasik, babalik muli nang may sigaw ng kagalakan, dala-dala ang kaniyang mga bungkos.
Mga Awit 126 in Banal na Bibliya