Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 123:2-3 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 123:2-3 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan.
Mga Awit 123 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 123:2-3 in Banal na Bibliya

2 Tingnan mo, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang amo, kung paanong tumitingin ang mga mata ng isang alilang babae sa kamay ng kaniyang among babae, gayundin ang pagtingin ng aming mga mata kay Yahweh na aming Diyos hanggang siya ay magkaroon ng awa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, O Yahweh, maawa ka sa amin, dahil kami ay puno ng kahihiyan.
Mga Awit 123 in Banal na Bibliya